Magandang araw!
Maligayang pagdating sa aking blog!
#BLOGNAMBA4
Kamusta
mga kaibigan? Kamusta ang araw nyo! Kamusta ang araw ng mga puso nyo? May natanggap
ba kayo? O may pinagbigyan kayo? Maraming Pinoy ang naging mapait ngayong araw
ng mga puso. Siguro walang nag ayang kumain sakanila sa labas o di kaya eh di
pa man dumarating ang 14 ay nag hiwalay na sila ng kanyang kasintahan.
Usapang
puso tayo ngayon no mga kaibigan! Marahil may iilan sainyo ang nagtataka kung
bakit walang silang natanggap ngayong araw na ‘to una sa lahat tumingin ka sa
salamin. Tanungin mo sarili mo kung karapatdapat kaba sa regaling matatanggap
mo at kung hindi mag kulong ka nalang sa kuwarto at mag mukmu mag-hapon. USO
DIN KASE TUMULONG SA GAWAING BAGAY DI YUNG LALABAS LALANDI LANG.
Pano
moba ipinag diwang ang araw ng mga puso? Isa kaba sa #NuodKorenteleserye? Na nagkulong
sa kuwarto mag hapon? Habang nanunuod at pinag nanasaan ang mga iniidulo mong
koreanong artista? Na lagi mo nalang sinasabi na “wala ng ibang mag papakilig
at makakapag pasaya sakin kung hindi sila” masyado kang madrama uso lumabas
manuod ng mga mag kasintahang nag haharutan sa liwasan baka sakaling kiligin.
O di
kaya is aka sa mga taong #LamonLamonLang maghapong ginagawa eh kumain nag
dagdag ng taba sa katawan. Lahat ng pagakin sa cabinet pinag lalamon mo! Ultimo
pagkain ng aso titirahin mo pa dahil sa kakalamon mo. Sabagay ang pagkain ay
pagmamahal. Masayang kumain lalo na pag may kasama. Kasama ang iyong pamilya sa
araw ng mga puso salo salo hapag kainan mas lalo mong mararamdaman ang
pagmamahal.
O kaya e kasama ang
mga mapapait mong kaibigan? #KaibiganMagpakailanman gala dito gala doon. Gasta ditto
gasta duon. Yung tipong gagawin nyo lahat para lang sumaya sa araw ng mga puso.
Pag tatawanan yung mga naghaharutan sa gilid tapos pipicturan tapos I papaskil
sa facebook para maging sikat yung litrato baka nga gawan pa ng bidyo yung mga
mag sing irog. Sabagay! Kung wala kang kasama andyan ang mga kaibigan para mag
pasaya sa isa’t isa.
Syempre di mawawala
ang mag kasintahan. Syempre walang ng paligoy ligoy pa
#Maghihiwalaydinkayowalangkayonghanggangmamataykayo. Gagastos ng libo libo
hihingi ng pera sa magulang para lang mabilhan ang kasintahan ng magarbong
regalo. Ultimo magulang di mabigyan maawa naman kayo! Wala na akong masasabi
pakatatag mag mahalan kayo.
Di naman ako isa sa
mga mapapait ngayong araw ng mga puso. Sadyang may mga ayaw lang akong nakita. Merong
nakakatawa, merong nakakakilig at meron din yung nakakagigil. Ang araw ng mga
puso ay di lamang sa buwan ng Peberero. Araw araw meron tayong pag kakataon na
ipadama sa ibang tao ang Pagmamahal. Yung pagmamahal na me halong pag aalaga at
pag iingat sa mga taong malalapit sayo.
“Minahal ka nya, ‘di
nga lang kagaya ng pag mamahal na binigay at ipinadama mo”
(ANG LAHAT NG INYONG
NABASA AY AKING MGA NAISIP LAMANG SA MGA ORAS NA ITO. SANA’Y SUMAYA KAYO SA MGA
NABASA NYO! MALIGAYANG ARAW AT SALAMAT SA PAGBABASA)
![]() |
| (Ating ikalat ang pagmamahal) |


















