Thursday, February 15, 2018

TAGALOG BLOG


Magandang araw! Maligayang pagdating sa aking blog!



#BLOGNAMBA4

Kamusta mga kaibigan? Kamusta ang araw nyo! Kamusta ang araw ng mga puso nyo? May natanggap ba kayo? O may pinagbigyan kayo? Maraming Pinoy ang naging mapait ngayong araw ng mga puso. Siguro walang nag ayang kumain sakanila sa labas o di kaya eh di pa man dumarating ang 14 ay nag hiwalay na sila ng kanyang kasintahan.



Usapang puso tayo ngayon no mga kaibigan! Marahil may iilan sainyo ang nagtataka kung bakit walang silang natanggap ngayong araw na ‘to una sa lahat tumingin ka sa salamin. Tanungin mo sarili mo kung karapatdapat kaba sa regaling matatanggap mo at kung hindi mag kulong ka nalang sa kuwarto at mag mukmu mag-hapon. USO DIN KASE TUMULONG SA GAWAING BAGAY DI YUNG LALABAS LALANDI LANG.




Pano moba ipinag diwang ang araw ng mga puso? Isa kaba sa #NuodKorenteleserye? Na nagkulong sa kuwarto mag hapon? Habang nanunuod at pinag nanasaan ang mga iniidulo mong koreanong artista? Na lagi mo nalang sinasabi na “wala ng ibang mag papakilig at makakapag pasaya sakin kung hindi sila” masyado kang madrama uso lumabas manuod ng mga mag kasintahang nag haharutan sa liwasan baka sakaling kiligin.


O di kaya is aka sa mga taong #LamonLamonLang maghapong ginagawa eh kumain nag dagdag ng taba sa katawan. Lahat ng pagakin sa cabinet pinag lalamon mo! Ultimo pagkain ng aso titirahin mo pa dahil sa kakalamon mo. Sabagay ang pagkain ay pagmamahal. Masayang kumain lalo na pag may kasama. Kasama ang iyong pamilya sa araw ng mga puso salo salo hapag kainan mas lalo mong mararamdaman ang pagmamahal.



O kaya e kasama ang mga mapapait mong kaibigan? #KaibiganMagpakailanman gala dito gala doon. Gasta ditto gasta duon. Yung tipong gagawin nyo lahat para lang sumaya sa araw ng mga puso. Pag tatawanan yung mga naghaharutan sa gilid tapos pipicturan tapos I papaskil sa facebook para maging sikat yung litrato baka nga gawan pa ng bidyo yung mga mag sing irog. Sabagay! Kung wala kang kasama andyan ang mga kaibigan para mag pasaya sa isa’t isa.



Syempre di mawawala ang mag kasintahan. Syempre walang ng paligoy ligoy pa #Maghihiwalaydinkayowalangkayonghanggangmamataykayo. Gagastos ng libo libo hihingi ng pera sa magulang para lang mabilhan ang kasintahan ng magarbong regalo. Ultimo magulang di mabigyan maawa naman kayo! Wala na akong masasabi pakatatag mag mahalan kayo.



Di naman ako isa sa mga mapapait ngayong araw ng mga puso. Sadyang may mga ayaw lang akong nakita. Merong nakakatawa, merong nakakakilig at meron din yung nakakagigil. Ang araw ng mga puso ay di lamang sa buwan ng Peberero. Araw araw meron tayong pag kakataon na ipadama sa ibang tao ang Pagmamahal. Yung pagmamahal na me halong pag aalaga at pag iingat sa mga taong malalapit sayo.
“Minahal ka nya, ‘di nga lang kagaya ng pag mamahal na binigay at ipinadama mo”



(ANG LAHAT NG INYONG NABASA AY AKING MGA NAISIP LAMANG SA MGA ORAS NA ITO. SANA’Y SUMAYA KAYO SA MGA NABASA NYO! MALIGAYANG ARAW AT SALAMAT SA PAGBABASA)


(Ating ikalat ang pagmamahal)


No comments:

Post a Comment